KULTURANG PILIPINO
Mababakas ang mayamang kasaysayan ng Pilipinas sa nakaraan, at hindi lang ito makikita sa mga sikat na museo sa bansa dahil kung iyong pagmamasadan at susuriing mabuti, Kulturang Pilipino ang sumasalamin at nakadadagdag ng ganda sa bansang Pilipinas.
Ang kultura ay ang pagsasalin-salin ng tradisyon ng isang tao o komunidad. Ito ay pinaghalong tradisyon ng mga bansang sumakop at mga katutubo.
Mga Kultura ng Pilipino
Mula sa mga tradisyon na nagmula sa mga kulturang Tagalog, kultura ng Kapampangan, o kultura ng mga Bisaya, talagang napakayaman ng Pilipinas. Narito ang listahan ng mga Kultura ng Pilipino na hanggang ngayon ay buhay na buhay pa rin.
- Kultura ng Pamamanata sa Poon (Devotion to the Patron Saint)
- Kultura ng pagdidiwata (Harmony with the Spirit World)
- Kultura ng Pag-uuma at Pag-uukir (Devotion to Islam and the Arabesque in Art)
- Kultura ng Pananahan (Devotion to the Home and Family)
- Kultura ng Pag-aaliw (Culture of Entertainment)
- Kultura ng Pagtutol (Protest Against Social Ills)
- Kultura ng Pagkabansa (Culture of Nationhood)
Kapag usapang pagkain, laging present d’yan ang Pilipinas dahil sa dami ng pagpipiliang pagkaing Pilipino, mapa-lokal o banyaga ay talagang matatakam dahil bawat putahe ay hitik sa sarap!
Bagamat maraming putahe ang nagmula sa impluwensiya ng ibang bansa, marami ring pagkain ang orihinal na gawang Pilipino. Mula sa mga sikat na ulam at kakaibang lutuin hanggang sa panghimagas, hindi ka mauubusan ng masasarap na pagkaing Pinoy. Narito ang ilan sa mga pagkaing Pilipino na ipinagmamalaki sa buong mundo.
SELEBRASYON
Isa ang Pilipinas sa mga bansang may napakayamang kultura dahil sa mga natatanging kaugalian at tradisyon mula noon hanggang ngayon. Ang Kulturang Pilipino ang sumasalamin sa nakaraan. Mula sa mga bagay na ginagamit ngayon sa pang-araw-araw hanggang sa mga bagay na dinadaan-daanan lamang, lahat ng ito ay bahagi ng mga kultura ng Pilipino.
KAUGALIAN
Isa ang Pilipinas sa mga bansang may napakayamang kultura dahil sa mga natatanging kaugalian at tradisyon mula noon hanggang ngayon. Ang Kulturang Pilipino ang sumasalamin sa nakaraan. Mula sa mga bagay na ginagamit ngayon sa pang-araw-araw hanggang sa mga bagay na dinadaan-daanan lamang, lahat ng ito ay bahagi ng mga kultura ng Pilipino.
- Bayanihan
- Pagsasabi Ng “Po” At “Opo”
- Panghaharana
- Hospitable
- Lubos na paggalang sa matatanda
- Pagmamano
- Relihiyoso
- Palabra de Honor
- Pamamanhikan
- Pakikisama
Musika, Sining, at Literatura
Likas sa mga Pilipino ang pagiging masayahin kahit pa sa oras ng problema, nakukuha pa rin ng mga Pilipinong ngumiti at tumawa. Dahil sa magandang kaugalian na ito ng mga Pilipino, hindi na nakapagtataka na bawat sulok ng Pilipinas ay may kani-kaniyang piyesta o selebrasyon. Ang mga ito ay pagdiriwang para sa mga santo o pagpapasalamat para sa masaganang biyayang ipinagkaloob sa kanila. Ang ilan sa mga sikat na piyesta sa Pilipinas ay ang:
- Sinulog Festival – Cebu
- Ati-Atihan Festival – Aklan
- Dinagyang Festival – Iloilo City
- Pahiyas Festival – Lucban, Quezon
- Panagbenga Festival – Baguio City
- Lechon Festival – Batangas
- Kadayawan Festival – Davao City
- MassKara Festival – Bacolod
- Tuna Festival – General Santos City
- Higantes Festival – Angono, Rizal